Panibagong bagyo patuloy na kumikilos papasok ng PAR

By Jay Dones September 23, 2016 - 04:37 AM

Mula sa pagasa

Patuloy na kumikilos ang namataang tropical depression papasok sa Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, namataan ang panibagong tropical depression sa layong 1645 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kph.

Patuloy nitong tinatahak ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 35 kph.

Sakaling pumasok na ito sa PAR bukas, tatawagin na itong bagyong ‘Helen’.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa buong bansa.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan hanggang silangan ang iiral sa dulong hilagang Luzon at ang mga baybaying dagat dito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula timog-kanluran hanggang timog-silangan ang iiral sa Palawan at mula naman sa timog-silangan hanggang silangan sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hangang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.