Mga barangay na may mababang bilang ng drug surrenderees, sisilipin ng PNP

By Ruel Perez September 23, 2016 - 04:13 AM

 

Inquirer file photo

Mas paiigtingin pa ng PNP ang pagto-Tokhang sa mga barangay na mababa ang bilang ng mga sumusukong tulak at user ng iligal na droga.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos, sinisilip ngayon ng pambansang pulisya kung saang aspeto pa sila maaaring mag pursige para mapabilis pa ang pagsawata sa operasyon ng iligal ng droga sa bansa.

Ang pahayag ay kasunod ng pagbibigay ng panibagong anim na buwan na palugit na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad para tapusin ang problema sa iligal na droga.

Ayon kay Carlos, sinisilip nila ngayon ang mga  barangay na may mababang bilang ng mga nagsisukong pusher at user.

Isa umanong maaring pakahulugan nito ay mabagal ang pagkilos ng mga opisyal ng barangay, lokal na pamahalaan at maging ng mga pulis na nakatalaga sa mga lugar na kanilang nasasakupan kaya hindi masyadong kabilib bilib ang accomplishments ng mga ito sa nasabing kampanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.