LPA isa ng tropical cyclone, posibleng pumasok sa PAR ngayong weekend
Binabantayan ng PAGASA ang isang tropical cyclone na posibleng pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend.
Sa pinakahuling update ng PAGASA, namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 2,500 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Sa kasalukuyan, nagtataglay ito ng lakas ng hangin na nasa 55 kilometers per hour at tinatahak ang direksyon patungong kanluran sa bilis na 35 kph.
Ang tropical cyclone ay papangalanang Helen sa oras na pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility.
Samantala, patuloy na maapektuhan ng habagat ang Palawan at Western Visayas.
Magiging maulap naman na may pulu-pulong ulan at thunderstorms ang mararanasan sa Luzon at Eastern Visayas ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.