Shell, pinagbabayad ng P5.72-B excise tax at VAT sa BIR
Pinagbabayad ng P5.72 bilyong piso ng Court of Tax Appeals ang kumpanyang Pilipinas Shell Petroleum Corp. dahil sa hindi nabayarang excise tax at value-added tax sa mga raw materials na inangkat nito sa pagitan ng taong 2006 hanggang 2009.
Sa amended decision ng CTA en banc, inihayag dito na bukod sa deficiency excise tax at VAT, kasama rin sa dapat bayaran ng Shell ang surcharge na aabot sa P1.14 bilyon.
Ang desisyon ay bilang tugon sa naunang paghingi ng paglilinaw ng Bureau of Internal Revenue sa September 28, 2015 decision ng CTA.
Sa 2015 decision, ipinag-utos ng CTA na magbayad ng karampatang buwis ang Shell sa pag-angkat nito noong 2006 hanggang 2009 ng Catalytic Cracked Gasoline (CCG) at Light Catalytic Cracked Gasoline (LCCG).
Ang mga naturang produkto ay ginamit bilang raw materials para sa unleaded gasoline ng naturang kumpanya.
Gayunman, hindi isinaad sa desisyon ang halaga ng kailangang bayaran ng Shell kaya’t humiling ng klairipikasyon ang BIR ukol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.