Mga miyembro ng Gabinete, bawal nang magsalita para sa pangulo
Pinagbabawalan na ang mga miyembro ng Gabinete at iba pang opisyal ng pamahalaan na magbigay ng pahayag sa ngalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakasaad sa memorandum na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong September 20, ang mga opisyal na pahayag ng pangulo kaugnay sa mga mahahalagang isyu sa loob o labas ng bansa, ay dapat manggaling lamang kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Sakali namang wala ang pangulo, lahat ng mga pahayag sa ngalan niya ay ilalabas lamang ni Communications Secretary Martin Andanar.
Sa nasabing memorandum, tinawagan lahat ng pansin ng mga miyembro ng Gabinete, pinuno ng mga ahensya, opisina ng pamahalaan, kabilang na ang Government Owned or Controlled Corporations.
Sinabihan sila na ang mga ibibigay lang nilang pahayag ay patungkol lang dapat sa mga isyung direktang may kinalaman sa kanilang opisina.
Maari lang siya makapagbigay ng pahayag para sa pangulo kung magkakaroon sila ng clearance mula sa PCOO.
Ang nasabing memorandum ay alinsunod sa mga bilin ng pangulo, at kaugnay sa mga napag-usapan sa mga nagdaang Cabinet meetings.
Inilabas ang nasabing utos matapos ang magkakaibang pahayag na inilalabas ng mga opisyal ng Gabinete sa sinasabi ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.