Gabi sa Pilipinas, magiging mas mahaba na kumpara sa araw

By Kabie Aenlle September 22, 2016 - 04:31 AM

 

Manila-bay-sunsetMakakaranas na ang Pilipinas ng mas mahabang gabi pagkatapos ng autumnal equinox ngayong araw ng Huwebes, September 22.

Ayon sa astronomical diary ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magaganap ang autumnal equinox mamayang 10:31 ng gabi.

Dahil dito, magiging mas mahaba na ang gabi sa Pilipinas dahil gagalaw ang araw pababa sa celestial equator sa direksyong patungong southern hemisphere.

Ang equinox ay kadalasang senyales ng pagpapalit ng season.

Paliwanag pa ng PAGASA, ang vernal equinox ay nagaganap March 20 o March 21 na hudyat ng pagsisimula ng spring, habang ang autumnal equinox ay nagaganap September 22 o 23 na hudyat naman ng pagsisimula ng autumn.

Sisikat ang araw ngayong Huwebes ganap na 5:45 ng umaga at bababa 5:52 ng hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.