LPA, binabantayan ng PAGASA, posibleng pumasok sa bansa at maging bagyo

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2016 - 06:36 AM

Isang sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Southeast ng Guam na may posibilidad na maging isang ganap na bagyo.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon cloud cluster pa lamang ang nasabing sama ng panahon at sa susunod na 24 na oras ay magiging Low Pressure Area.

Ang nasabing sama ng panahon ay maaring pumasok sa bansa sa weekend.

Sa sandaling makapasok ng PAR ay isa na itong ganap na bagyo.

Ayon sa PAGASA, papangalanan itong Helen, kapag pumasok sa Philippine Area of Responsibility.

Samantala, ngayong araw, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Northern Palawan.

 

 

TAGS: weather update, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.