Crew ng na-isolate na Saudi Airlines dahil sa maling distress call, mananagot

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2016 - 06:29 AM

Inquirer Photo
Inquirer Photo

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may mananagot sa pagkakamaling naganap kahapon sa isang flight ng Saudi Airlines dahilan para ito ay ilang oras na ma-isolate sa NAIA at maabala ang mga pasahero.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, nagsagawa ng imbestigasyon ang CAAP inspector na isusumite naman sa director general ng CAAP.

May karampatang sanction aniya at penalty sakaling mapatunayang nagkaroon ng pagkakamali na nagawa ang crew o mga crew ng Saudi Airlines flight SV 872.

Maliban kasi sa mga naabalang pasahero, naperwosyo din ang operasyon sa paliparan dahil ang pagka-isolate ng nasabing eroplano ay nagdulot ng congestion.

Kinailangan din aniyang i-utilize ang lahat ng crisis management team, nagpatakbo ng mga bumbero, mga pulis at iba pa para respondehan ang eroplano dahil sa tawag na ito ay na-hijack.

Una nang sinabi ni NAIA General Manager Ed Monreal na inamin ng mga crew at piloto ng eroplano na nagkaroon ng pagkakamali sa kanilang panig.

 

 

TAGS: Saudi Airlines, Saudi Airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.