Babaeng negosyante, dinukot sa Zamboanga

By Kabie Aenlle September 21, 2016 - 04:30 AM

 

Mula sa Google Maps

Dinukot ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang 60-anyos na babaeng negosyante sa Sirawai, Zamboanga del Norte noong Lunes.

Ayon sa mga pulis at militar, ang biktima ay may-ari ng Ben Yee Store sa Brgy. Poblacion sa Sirawai.

Ngunit hindi naman nagtutugma ang inilabas ng militar at pulis na pangalan ng biktima.

Ayon kasi kay Supt. Rogelio Alabata ng Police Regional Office 9, ang pangalan ng biktima ay Cristina Yee, habang ayon naman kay Maj. Filemon Tan ng Western Mindanao Command, nakilala itong si Martina “Tinang” Yee.

Sapilitan umanong tinangay ang biktima ng nasa anim na hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan at isinakay sa bangkang de motor patungong Brgy. Pugus sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Ayon naman kay Tan, ang biktima ay nasa loob ng kaniyang tindahan nang bigla siyang kaladkarin ng mga armadong kalalakihan patungo sa pampang at sapilitang isinakay sa isang double-engine na pumboat patungong Zamboanga City.

Tiniyak naman ni Tan na nagsasagawa na ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng mga militar at pulis para mailigtas ang biktima.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.