Palasyo, nanawagan sa UN na idaan sa liham ang pagnanais na pumunta sa Pilipinas

By Jimmy Tamayo September 19, 2016 - 03:47 PM

malacanang-fb-07234Nanawagan ang Malakanyang sa human rights bodies ng United Nations na sa halip na idaan sa media, gawin sa pamamagitan ng pormal na liham ang pagnanais nilang magtungo sa Pilipinas.

Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na dapat na idaan sa tamang proseso at tamang protocol ang kagustuhan ng UN na imbestigahan ang mga napapaulat na extrajudicial killings sa gitna ng anti-drug campaign ng pamahalaang Duterte.

Kabi-kabilang batikos ang natatanggap ng pamahalaan dahil umano sa extrajudicial killings mula nang magsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna na ring sinabi ni UN Asia Director Human Rights Watch Brad Adams na isang seryosong alegasyon ang mga naging pahayag ng nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.