Mga gov’t employees, may libreng sakay sa MRT
Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) na magkakaroon ng libreng pasakay sa MRT-3 para sa mga empleyado ng gobyerno ngayong araw ng Lunes, September 19, 2016.
Ito ay bilang pagdiriwang sa Philippine Civil Service Anniversary ngayong taon.
Ayon sa CSC, ang libreng pasakay sa MRT para sa mga empleyado ng gobyerno ay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Kailangan lamang nilang ipakita sa mga security personnel ang kanilang valid Government Employees I.D.
Ire-record rin ng mga security personnel ang pangalan ng mga empleyado, pati na sa kung anong opisina sila nagtatrabaho bago sila papasukin sa service gates.
Gayunman, paalala ng CSC na tanging ang mga government employees lang ang malilibre ng sakay, at kung sakaling may kasama sila, kailangan pa ring magbayad ng mga ito.
Paalala rin ng CSC na isasailalim pa rin sila sa standard security procedure at iinspeksyunin pa rin ang kanilang mga dalahin bago makapasok sa istasyon, tulad ng pangkaraniwang pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.