Drug war, gobyerno vs gobyerno na – Duterte

By Kabie Aenlle September 19, 2016 - 04:29 AM

 

Inquirer file photo

Hindi lubos akalain ni Pangulong Rodrigo Duterte na libu-libo ang mga taong sangkot sa kalakalan ng iligal na droga, at mas lalo niyang hindi inakala ay karamihan sa mga nangangasiwa sa mga ito ay pawang mga tauhan ng pamahalaan.

Dahil dito, sinabi ng pangulo na ang kampanya laban sa iligal na droga ay “government versus government” na ngayon.

Ayon kay Duterte, maging ang pinakamababang hanay ng pamahalaan ay napasok na rin ng kalakalan ng iligal na droga.

Ito aniya ang dahilan kung bakit kaisa siya sa pagsusulong ng pagpapaliban ng barangay elections.

Dagdag pa ng pangulo, hindi naman niya kayang patayin lahat ng mga ito dahil base sa makapal na ang huling tala na naibigay sa kaniya, at karamihan sa mga sangkot ay pawang mga kapitan ng barangay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.