5 arestado sa checkpoint dahil sa shabu

By Kabie Aenlle September 19, 2016 - 04:22 AM

 

shabuArestado ang limang hinihinalang nagbebenta ng iligal na droga sa chekpoint ng mga pulis at sundalo sa Real, Quezon province.

Ayon kay Quezon police director Senior Supt. Antonio Yarra, pinara ang sasakyan ng mga suspek sa checkpoint sa Barangay Kiloloron, gabi ng Sabado.

Nasabat mula sa mga suspek ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 59 grams at nagkakahalaga ng P110,000.

Nakilala ang mga suspek na sina Jerome Morales, 18-anyos; Eros Anggan, Eufrocinio Paran at Almera Mancao na pare-parehong 20-anyos; at isang 17-anyos na babae. Lahat ng mga suspek ay pawang mga residente rin ng Taguig City.

Ayon pa sa pulisya, isang confidential agent ang tumimbre sa mga otoridad noong Sabado ng hapon na isang “Jerome” at kaniyang mga kasama ay maghahatid ng shabu sa mga kakilala nila sa Real gamit ang isang Toyota Corolla na sedan.

Nakarehistro ang sasakyan na ginamit ng mga suspek sa isang residente ng bayan ng Baliuag sa Bulacan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.