15 patay, sa pananalasa ng bagyo sa China at Taiwan
Umakyat na sa 15 ang namatay dahil sa pananalasa ng bagyo sa China at Taiwan, ilang araw bago tumama ang panibagong bagyo sa naturang rehiyon.
Ayon sa mga Chinese authorities nasa 13 na bilang ng mga namatay sa mga probinsya ng Fujian at Zhejiang matapos mag-landfall ang Typhoon Meranti (Bagyong Ferdie) habang 14 na katao pa ang nawawala.
Dalawa naman ang iniulat ng mga Taiwanese officials ang namatay dahil sa nasabing bagyo.
Nanalasa ang Typhoon Meranti sa baybayin ng China kasama ang Shanghai na may dalang malakas na ulan at hanging aabot sa 280 kph ngayong linggo.
Nag-landfall ang naturang bagyo sa probinsya ng Fujian sa China kung saan nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente at pagkalubog ng mga kalsada sa baha.
Ayon sa state media ng China patuloy na inaayos na maibalik ang suplay ng kuryente sa Xiamen, kabisera ng Fujian.
Isa pang bagyo, ang Typhoon Malakas (Bagyong Gener) na tumama sa Taiwan nitong Sabado na magpapatuloy hanggang sa China.
Kaugnay nito, walang pasok sa mga opisina at mga eskuwelahan sa Taipei, Taiwan nitong Sabado para sa inaasahang pananalasa ng Typhoon Malakas.
Kumpara sa Typhoon Meranti, mas mahina si Typhoon Malakas na may pagbusgo na aabot sa 191 kph ngunit inaasahan pa rin itong tatama sa kabisera ng Taiwan bago kumilos pa-hilaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.