Batanes, isinailalim sa state of calamity

By Rod Lagusad September 18, 2016 - 05:19 AM

batanes-mapIdineklara ng provincial government ng Batanes ang state of calamity dahil sa pinsalang dulot ng Bagyong Ferdie.

Sa pagtataya ng mga opisyal ng Office of Civil Defense (OCD) aabot sa 37 million pesos ang pinsala ng naturang bagyo sa agrikultura ng lalawigan.

Patuloy pang inaalam ang kabuuang pinsala ng bagyo sa imprastraktura pero ayon sa post-typhoon inspection ay nagpapakita ng mga nasirang government buildings, mga simbahan, mga kabahayan at mga nagtumbahang linya ng kuryente.

Ayon kay OCD Regional Director Norma Talosig, aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo ang pagsasaayos ng suplay ng kuryente sa lugar.

Dagdag pa ni Talosig na nangangailangan ang mga residente ng Batanes ng inuming tubig, pagkain, generating sets, water pumps, transformers, galvanized iron para sa nasirang mga bubong at mga construction materials.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bagyong Ferdie, batanes, Office of Civil Defense, Bagyong Ferdie, batanes, Office of Civil Defense

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.