4 na babaeng call center agent nakaligtas sa pang-hohostage sa Makati

By Jong Manlapaz September 16, 2016 - 04:17 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Matagumpay na naililgtas ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Makati Police pnp ang apat na kababaihan, matapos na i-hostage ng isang problemadong lalaki na taga Pilar, Bicol.

Kinilala ni Makati PNP Deputy Dir. Supt Angelo Germinal ang suspek na si Ruben Anzares, 40 yrs old alyas Boyet.

Habang kinilala lamang sa pangalan, Joyce, Aiza, Jocelyn at Beverly na nagdadalang tao ang mga na-hostage na pawang mga nagtratrabaho sa call center at naninirahan isang apartment sa Imelda Bridge, Kalayaan Ave., Guadalupe, Makati.

Ayon kay Supt. Germinal,  dakong alas-9:00 ng gabi, bigla na lamang pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima na may dalang kitchen knife at screwdriver at hinostage ang apat na kababaihan.

Agad naman tumawag sa 911 ang nga kapitbahay ng mga biktima kaya agad nakaresponde ang mga pulis.

Tumagal ng halos na apat na oras ang negosasyon bago makumbinsi ang suspek na sumuko na lamang ng maayos at hindi naman nasaktan ang mga biktima.

Una ng hiniling ng suspek na kausapin ang kapitan ng kanilang barangay sa Pilar Bicol, hiniling din nito na kausapin si PNO Chief Ronald dela Rosa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.