Malakanyang, itinanggi ang alegasyon ng umano’y DDS hitman

By Jay Dones September 16, 2016 - 04:20 AM

 

Sec. Martin Andanar
Sec. Martin Andanar

Sa halip na si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumagot sa mga alegasyong binitiwan ng nagpakilalang ‘hitman’ ng Davao Death Squad, ang kanyang mga tagapagsalita ang tumugon sa mga ito.

Hindi na nagpaunlak ng panayam sa mga media si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon matapos itong bumisita sa mga opisyal ng Scout Rangers sa Camp Tecson sa San Miguel lalawigan ng Bulacan.

Sa halip, isiniwalat na lamang nito na kanya nang hawak ang mga pangalan ng nasa isanlibong personalidad na nasasangkot sa droga.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar,  hindi siya naniniwalang magagawa ng Pangulong Duterte namagbigay ng kautusan para ipapatay ang isang tao.

Malinaw rin aniya na naimbestigahan na dati pa ang mga napabalitang mga kaso ng extrajudicial killings sa Davao noong ito pa ang alkalde sa lungsod ng Commission on Human Rights ngunit wala namang kasong isinampa laban dito.

Giit naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinakailangang sumalang muna sa pormal na imbestigasyon si Motabato upang matukoy kung may batayan ang mga alegasyon nito laban sa pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.