Ilang lalawigan sa Luzon at Visayas, uulanin dahil sa habagat na hinahatak ng Bagyong Gener
Makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan at Kanlurang bahagi ng Visayas ngayong araw.
Ito ay bunsod ng habagat na hinahatak ng bagyong Gener.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyong Gener sa layong 800 kilometers east ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang pinaka malakas na hangin na 130 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 160 kph.
Inaasahan naman na gagalaw ang bagyong Gener sa direksyong west northwest sa bilis na 22 kph.
Dahil dito, iiral sa Luzon ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran at ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Hindi naman inaasahang tatama sa lupa ang naturang bagyo na inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.