Bilang ng patay sa ‘Oplan Double Barrel’ higit 3,000 na

By Ruel Perez September 15, 2016 - 04:25 AM

 

police-line1Higit na sa tatlong libo ang bilang ng mga napapatay na mga drug suspek sa ilalim ng Oplan Double Barrel ng PNP

Sa tala ng PNP mula July 1 hanggang Miyekrules ng umaga, September 14, nasa kabuuang 3,077 na ang casualties sa pinaigting na kampanya laban sa droga.

Sa nasabing bilang, 1,506 ang napatay sa mga lehitimong police operations habang 1, 571 naman ang itinuturing na biktima ng summary killings o yung mga bangkay na natatagpuang may nakasabit na karatula.

Dahil dito, aabot sa 40 na mga drug suspek ang napapatay kada araw mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Samantala, higit 16 thousand na drug personalities na ang naaresto ng pulisya sa halos labing walong libong anti drug operations na ikinasa ng pnp.

Umaabot naman sa mahigit 712 thousand ang mga sumukong drug user at drug pusher.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.