Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Ferdie at isang lugar na lang ang nasa ilalim ng storm signal.
Sa Pagasa severe weather bulletin number 18 na inilabas alas dos ng hapon, ang huling lokasyon ng Bagyong Ferdie dakong ala una ng hapon ay 315 kilometers Northwest ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 195 kilometers per hour at bugso na 230 kilometers per hour.
Tinatahak ng Bagyong Ferdie ang Northwest direction sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ang Batanes Group of Islands na lamang ang nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal 1.
Samantala, ang Bagyong Gener naman ay huling namataan 1,130 kilometers East ng Baler, Aurora.
Sa Sabado pa ng umaga ito inaasahang lalabas ng PAR at pinapalakas pa nito ang Habagat.
Apektado naman ng thunderstorm ang Pasay, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Makati at Pasig sa Metro Manila pati ang Zambales, bahagi ng Rizal, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite at Batangas.
Nakasaad sa thunderstorm advisory number 12 ng Pagasa dakong 2:23 ng hapon na tatagal ito sa loob ng tatlong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.