105 na Pinoy na nakulong sa Indonesia, posibleng makalaya na

By Hani Abbas September 13, 2016 - 12:48 PM

IndonesiaPosibleng makalaya na sa lalong madaling panahon ang 105 Pinoy na nakulong sa Indonesia dahil sa pangingisda sa kanilang lugar.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol, maganda ang naging reaksyon ni Indonesian President Joko Widodo nang mapag-usapan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinggil sa pagkakabilanggo ng nasabing mga Pinoy.

Pinaplano naman na ng Pilipinas ang pagbuo sa grupong makikipag-ugnayan sa Indonesia para gumawa ng malinaw na polisiya sa ukol sa mga Pilipinong dumaraan sa teritoryo ng Indonesia.

Noong bang buwan ng Nobyembre taong 2014 nang maaresto ang nasabing mga Pinoy habang nangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia.

Pawang mula sa Bongao, Tawi-Tawi umano ang mga Pinoy.

 

 

TAGS: 105 Filipino fishermen detained in Indonesia, 105 Filipino fishermen detained in Indonesia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.