Mas mahigpit na seguridad ipinatutupad sa Zamboanga City port
Mas mahigpit na seguridad ang ipinapatupad ngayon ng mga otoridad sa Zamboanga City Port.
Sa mga kalye pa lamang patungo ng nasabing pantalan ay may mga nakalatag ng mga checkpoint mula sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Army.
Pagdating naman sa pantalan ay may mga security inspection din na isinasagawa ang mga security personnel ng daungan, pulis at sundalo.
Nakabantay naman ang mga tauhan ng militar at Philippine Coast Guard (PCG) sa mga bumababang pasahero mula sa mga dumadating na barko galing ng Isabela, Basilan, Jolo, Sulu at iba pang lugar.
Armado ng mga matataas na kalibre ng baril ang mga nakabantay na otoridad.
Katuwang din sa pagbabantay ang mga K-9 units at bomb squad.
Ang mas mahigpit na seguridad ay matapos makaaresto ng tatlong hinihinanang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Zamboanga City noong Biyernes.
Mahigpit na seguridad ipinapatupad sa Zamboanga City Port @dzIQ990 pic.twitter.com/9tTkxLMqQq
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) September 11, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.