Bagyong Ferdie, lumakas pa; signal #1 nakataas sa Batanes at Babuyan Group of Islands
Lalo pang lumakaas ang Bagyong Ferdie habang kumikilos sa direksyong West Northwest.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Ferdie sa 1,015 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 165 kada oras at pagbugsong aabot sa 200 kilometers kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 22 kilometers kada oras.
Itinaas na ng PAGASA ang signal Number 1 sa Batanes at sa Babuyan Group of Islands.
Ayon sa PAGASA, maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang bagyong Ferdie sa 300 kilometer diameter nito.
Bukas ng umaga inaasahang nasa bahagi ng 550 km East Northeast ng Aparri, Cagayan ang bagyo at sa 35 km Northwest ng Itbayat, Batanes sa Miyerkules.
Sa Huwebes ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.