Duterte naghatid ng ‘new normal’ sa Ph-US relations
Ito ang pananaw ni Richard Heydarian, political science professor ng Dela Salle University sa mga pahayag kamakailan ng Pangulong Dutertekung saan naging kontrobersyal pa ang statement nito nang mistulang mamura ng pangulo ang presidente ng Amerika hinggil sa isyu ng extrajudicial killings sa bansa.
Paliwanag ni Heydarian, dahil sa malinaw na para sa Amerika na hindi nito makukuha ang suporta sa Duterte administration, magmimistula nang ‘new normal’ ang relasyon ng dalawang bansa.
Bukod pa ito sa pahayag ni Duterte na nais nitong magkaroon ng independent foreign policy ang Pilipinas, na kilala bilang isang pro-American society.
Matatandaang kinansela ni Obama ang kanilang bilateral meeting ni Duterte matapos ang pagmumura nito sa kanya, bagay na itinanggi ng pangulo.
Hindi na rin nakapag-usap sa ASEAN meeting ang dalawa hanggang sa magtapos ang ASEAN summit sa Laos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.