French PM, nagbabala sa mga panibagong pag-atake

By Kabie Aenlle September 12, 2016 - 04:15 AM

 

File photo

Naglabas ng babala si French Prime Minister Manuel Valls kaugnay sa pagkakaroon ng mga panibagong pag-atake sa France.

Isinailalim na ang Paris, France sa high alert mula pa noong nakaraang linggo matapos mabuwag ng mga otoridad ang isang “terrorist cell” na nagpa-plano umano ng pag-atake sa isang railway station sa kabisera ng bansa, na utos anila ng Islamic State group.

Ayon kay Valls, ngayong linggo lang ay dalawang pag-atake na ang napigilan ng mga otoridad, at 15,000 katao aniya ang nasa ilalim ng radar ng mga pulis na hinihinalang nasa proseso na ng pagiging radikal.

Dagdag pa niya, tungkulin niyang ipaalam sa publiko ang katotohanan, at kabilang na nga doon ay ang pagsasabi sa mga ito na magkakaroon ng mga bagong pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.