Number coding sa NCR, suspendido sa Eid’l Adha

By Isa Avendaño-Umali September 11, 2016 - 09:17 AM

 

MMDAInanunsyo ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang suspensyon ng number coding sa lahat ng mga siyudad sa National Capital Region o NCR bukas (September 12), bilang pagbibigay-daan sa paggunita sa Eid’l Adha.

Nauna nang idineklara ng Malacañang ang September 12 bilang isang regular non-working holiday.

Ang Proclamation 56 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya umalis ng bansa patungong Laos para dumalo sa ASEAN summit.

Ang Eid’l Adha ay itinuturing na isa sa pinakamalaking Muslim Festival of Sacrifice, bukod pa sa Eid’l Fitr o end of Ramadan.

TAGS: Eid'l Adha, number coding, Eid'l Adha, number coding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.