Unemployment rate sa bansa, bumaba sa unang tatlong buwan ng Duterte administration

By Angellic Jordan September 10, 2016 - 09:21 AM

Jobs
Inquirer file photo

Bumaba ang bilang ng unemployment rate sa bansa sa unang bahagi ng Duterte adminitration.

Batay sa inilabas na survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Social Weather Stations (SWS), bumaba sa 5.4 percent ang bilang ng mga walang trabahong pilipino nitong Hulyo mula sa 6.5 noong Hulyo ng nakaraang taon.

Pagdating naman sa mga underemployed o yung mga taong may trabaho ngunit nais magkaroon ng mas mahaba oras sa trabaho, nabawasan hanggang 17.3 percent mula 21 percent sa parehong buwan.

Sa kasalukuyan, umakyat ang bilang ng mga Pinoy na may trabaho sa 94.6 percent mula sa 93.5 percent kung saan aabot ito sa 41 milyong pilipino.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Director General and Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, nananatiling nauunang job generator ang services sectors kung saan 55.3 percent ang tutal na employed na pinoy habang 17.8 percent naman sa industry sectors.

Aniya, nangangahulugan ito ng magandang paglago ng industriya pagdating sa manufacturing at construction.

Sa mga kabataang unemployed naman, bumaba din ang bilang sa 13.5 percent mula 16.3 percent maging ang mga kabataang walang trabaho at hindi nag-aaral ay bumaba sa 22 percent galing sa 24.8 percent noong 2011.

Sa kabila ng magandang resulta, iginiit ni Pernia na mayroon pang 4.3 milyong kabataang pilipino ang wala pang trabaho dahil sa kakulangan sa edukasyon at training.

Dagdag pa ni Pernia, kinakailangan ng gobyerno na paigtingin ang kanilang JobStart Program upang magabayan ang mga pilipino sa paghahanap ng matinong trabaho.

Samantala, lumabas sa SWS survey na nabawasan ng 10 milyon ang bilang ng mga walang trabaho pilipino sa ngayon, mababa ng isang milyon noong Abril 2016.

TAGS: DOLE, economic, neda, DOLE, economic, neda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.