World leaders hindi nakaimik nang ipamukha ni Duterte ang human rights violation ng mga Amerikanong sundalo
Natameme sina US President Barack Obama, United Nations Secretary Ban Ki Moon at iba pang ASEAN Leaders nang ilatag ng Pangulong Rodrigo
Duterte ang mga larawan sa pagmasaker ng mga Amerikanong sundalo sa mga Moro sa Mindanao Region may ilang taon na ang nakararaan.
Sa talumpati ng pangulo sa harap ng Filipino community sa Jakarta Indonesia, sinabi nito na ginulat niya ang world leaders sa ASEAN East Asia Summit sa Laos nang sila sila na lamang ang nagpulong at palabasin ang mga kagawad ng media.
Ayon sa pangulo, hindi nakaimik si Obama nang ipakita niya ang larawan ng isang amerikanong sundalo na nakatutok ang baril at nakaapak ang paa sa dibdib ng babaeng hubad na Moro.
Tanong ni Duterte sa world leaders, kung may human rights violation aniya sa mga pinapatay na criminal sa Pilipinas, ay ano naman ang tawag sa litrato na kanyang ipinakita.
Hinintay umano ng pangulo ang reaksyon ni Obama subalit natahimik lamang ito.
Giit ni Duterte, ginawa niya ang pahayag sa harap ng world leaders dahil na pressure na siya sa mga pambabatikos sa umano’y human rights violation na kanyang ginagawa bunsod ng pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.
Maging si U.N. Secretary General Ban Ki-moon ay hindi rin nakaligtas kay Duterte.
Nairita ang pangulong Duterte sa pakikisawsaw ni Ban sa isyu ng human rights violation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.