6 month deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa iligal na droga, kulang ayon kay VP Leni Robredo
Naniniwala si Vice President Leni Robredo na kulang ang anim na buwan para matapos ang problema sa iligal na droga ng Pilipinas.
Ayon kay Robredo, hindi natatapos sa pagsuko ng mga drug adik at pusher ang kampanya kontra sa droga.
Aniya dapat mayroon ding template para sa mga sumuko na ngayon ay umaabot na aniya sa mahigit 700 libo.
Naniniwala si Robredo na kailangan ng tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-drug campaign.
Kaya nga aniya nag boluntaryo ang kanyang tanggapan na tumulong sa community rehabilitation ng mga sumukong drug users.
Nais ni Robredo na ibahagi ang karanasan nila sa naga dati patungkol sa drug rehabilitation at prevention. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.