Kasunduan para sa common station ng MRT 3, LRT 1 at MRT 7, pipirmahan na

September 09, 2016 - 05:43 PM

mrt-lrtPipirmahan na sa September 28 ang kasunduan para sa common station ng LRT 1, MRT 3 at MRT 7 ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Sa House Appropriations Committee Hearing sa panukalang 55.478 billion pesos na pondo ng Department of Transportation (DOTr), tinanong si Tugade ni Quezon Representative Danny Suarez sa pangangailangan ng common station na hindi nagawa ng nakaraang administrasyon dahil sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema.

Sinabi ni Tugade na nakipag-pulong sila kina Ayala Corporation Chairman Jaime Zobel de Ayala, San Miguel Corporation President Ramon Ang, Business Tycoon Manny Pangilinan at SM Investment Corporation Vice Chairperson Teresita Sy-Coson at lahat ay nagkasundo na kailangan ang common station.

Ang tangi lang anyang ikinukunsidera ay kung ang common station ay magkakaroon ng underpass o overpass.

Ang common station ay kokonekta sa LRT 1,MRT 3 at MRT 7 at ito ay aabot hanggang sa Bulacan sa pamamagitan ng Commonwealth Avenue.

TAGS: Kasunduan para sa common station, LRT 1 at MRT 7, MRT 3, pipirmahan na, Kasunduan para sa common station, LRT 1 at MRT 7, MRT 3, pipirmahan na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.