LPA sa Eastern Samar,magpapa-ulan sa Zamboanga, CARAGA at ilang bahagi ng Visayas

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2016 - 11:55 AM

Nasa bahagi na ng Guiuan, Eastern Samar ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, mula sa 300 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur na lokasyon nito kaninang umaga, ngayong alas 11:00 ng umaga ay nasa bahagi na ito ng Guiuan.

Ang nasabing LPA ay maghahatid ng katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, CARAGA at mga lalawigan ng Dinagat, Eastern Samar at Palawan.

Maari din itong magdulot ng flashfloods at landslides.

Habang mahina mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa eastern Visayas at mga lalawigan ng Bohol, Cebu at Negros.

Una nang sinabi ng PAGASA na isa pang LPA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang posibleng maging bagyo at pumasok sa bansa.

Ang nasabing LPA ay nasa level ngayon ng Bicol region at sa weekend pa nakatakdang pumasok ng PAR.

Papangalanan itong “Ferdie” sa sandaling pumasok ng bansa.

Hindi naman ito inaasahang tatama sa kalupaan.

 

 

TAGS: LPA, weather update, LPA, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.