Isa sa mga security detail ni VP Robredo, inalis muna sa serbisyo matapos mahuli sa Oplan Tokhang ang kaniyang live-in partner

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2016 - 11:33 AM

Statement of OVPInalis muna bilang bahagi ng security detail ni Vice President Leni Robredo ang pulis na si PO3 Joey Regulacion matapos maaresto kahapon sa operasyon ang umano’y live-in partner niya.

Sa isinagawang Oplan Tokhang, kahapon sa Barangay Culiat, naaresto ang isang alyas “Olive” na isa sa mga high-value target sa lungsod dahil sa pagiging supplier umano ng ilegal na droga.

Si Olive ay sinasabing live-in partner ni Regulacion na bahagi ng security detail ni Robredo at partikular na nakatalaga sa Office of the Vice President sa New Manila.

Sa statement ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, pinabalik na muna sa kaniyang mother unit si Regulacion habang isinasagawa ang imbestigasyon ng PNP.

Dagdag pa ni Hernandez na batay sa opisyal na report ng QCPD, nasa listahan ng Oplan Tokhang ang ka-live in ni Regulacion.

Boluntaryo naman umanong sumuko sa mga otoridad ang live-in partner ni Regulacion at wala namang nasabat na illegal drugs at drug paraphernalia sa kaniyang bahay.

 

 

 

TAGS: Office of the Vice President, Office of the Vice President

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.