Peace and Order Councils, dapat i-convene na ng mga LGUs – DILG

By Ruel Perez September 09, 2016 - 04:44 AM

Mike SuenoDapat na umanong ikunsidera ng mga gobernador, alkalde at iba pang namumuno sa mga local government units (LGUs) na tingnan kung kinakailangan nang i-convene ang kani-kanilang POC o Peace and Order Councils matapos ang Davao bombing

Ayon kay Interior Sec. Mike Sueno, kailangan ng ma-assess o masuri at mapag-usapan ng POC ang sitwasyon para makabuo ng mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan.

Paliwanag ni Sueno, pangunahing konsiderasyon ngayon ng gobyerno ay ang publiko kasabay ng pag-asa na wala na sanang inosenteng mamamayan ang madamay pa sa paghahasik ng kaguluhan ng mga teroristang grupo

Kaugnay nito, umapela si Sueno sa publiko na maging alerto at mapagbantay at kaagad na ipagbigay-alam sa mga otoridad kung may mga kahina-hinalang tao o pangyayari sa kanilang lugar

Kasabay nito, tiniyak naman ng kalihim na “in full control” ang gobyerno sa harap ng kabi-kabilang banta ng panggugulo pero aminado ang opisyal na malaking bahagi pa rin para mapigilan ang anumang banta ng mga teroristang grupo ang pakikipag tulungan ng mamamayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.