Isang bagong LPA binabantayan ng PAGASA sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo September 08, 2016 - 06:43 AM

Binabantayan ng PAGASA ang isang bagong Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao.

Huling namataan ang nasabing LPA sa 40 kilometers West ng Lumbia, Cagayan De Oro City, Misamis Oriental.

Habang ang extreme Northern Luzon naman ay nananatiling apektado ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa PAGASA mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan lamang ang mararanasan ngayong araw sa Mindanao, Visayas, Bicol region, Palawan, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Habang makararanas ng isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, magiging maganda ang panahon sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan hanggang sa weekend.

 

 

TAGS: low pressure area, low pressure area

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.