Alyansa ng ASG, Maute at Al-Khalifa, tinututukan ng AFP

By Ruel Perez September 08, 2016 - 04:47 AM

 

File photo

Mahigpit na binabantayan ngayon ng AFP ang umanoy tactical alliance na nabuo sa pagitan ng Abu Sayyaf, Maute at Ansar Al-Khalifa terror group.

Dahil dito, sinabi ni Philippine Army Chief Lt.Gen Eduardo Año na hindi basta basta pwedeng sabihin na kagagawan lang ng  bandidong Abu Sayyaf ang nangyaring pagsabog sa Davao City.

Batay umano sa nakuha nilang intelligence report nakipag alyansa ang grupo ni ASG leader Radulan Sahiron sa Maute Group at Ansar Al-Khilafa Philippines.

Sinabi ni Año na bukod sa tactical alliance mayroon na ring working relationship ang tatlong grupo kung saan naghihiraman ang mga ito ng mga armas at mga tauhan.

Sa ngayon hindi pa matukoy kung aling grupo ang nasa likod ng Davao blast, pero sinabi ng Army na sa mga susunod na araw ay mababatid na rin nila kung sino ang responsable sa pagpapasabog sa Davao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.