Mas mabigat na parusa kontra bomb joke isinulong sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali September 07, 2016 - 03:32 PM

IED
Inquirer file photo

Kinalampag na ni House Deputy Speaker Miro Quimbo ang Kongreso na ipasa ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat parusa sa mga nasa likod ng pekeng bomb threat o scare.

Ayon kay Quimbo, nakakapikon at hindi na nakakatuwa ang kabi-kabilang bogus na bomb joke.

Halimbawa aniya nitong mga nakalipas na araw ay naging sunud-sunod ang pekeng threat gaya sa mga eskwelahan.

Giit ni Quimbo, hindi na makatwiran ang mga naturang insidente dahil nagdudulot ang mga ito ng unnecessary anxiety sa publiko at naaapektuhan ang mga aktibidad at productivity sa mga paaralan, tanggapan o negosyo kung saan may pekeng bomb threat.

Sa House Bill 421 o False Bomb Threat Prohibition Act ni Quimbo, anim hanggang labing dalawang taong kulong ang parusa sa mapapatunayang guilty sa pekeng bomb threat.

Maliban dito, inihihirit din ng mambabatas ang P5 Million na multa para sa nasabing kalokohan.

Dagdag ni Quimbo na panahon nang palakasin ang mga umiiral na batas laban sa false bomb threats sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Presidential Decree 1727 na nagpapataw lamang ng limang taong kulong at multang P40,000 sa nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa bomb threat.

TAGS: bom, joke, threats, bom, joke, threats

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.