Davao blast, state of lawlessness at mga banat ni Duterte kay Obama, walang epekto sa negosyo-BSP
Hindi ramdam ng sektor ng negosyo ang epekto ng nakaraang pagsabog sa Davao City, deklarasyon ng ‘State of lawlessness’ at ang mga banat at pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Barack Obama .
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco Jr., walang negatibong reaksyon ang lokal na merkado sa mga naging pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa presidente ng Amerika at ang mga nakaraang insidente ng pagsabog na sinundan ng deklarasyon ng State of lawlessness.
Mas magkakaroon pa aniya ng epekto sa lokal na merkado ang nakaambang rate hike ng US-Federal Reserve na magaganap bago magtapos ang taong ito.
Ang mahalaga aniya ay maipahatid sa publiko nang malinaw ang mga proyektong nais na isulong ng Duterte administration upang hindi mamis-interpret ang mga hakbang nito.
Naniniwala pa rin si Tetangco na sa kabila ng mga isyu, nananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa na makaka-engganyo ng mas marami pang mga foreign investors na magdadala ng sustained growth sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.