Granada, aksidenteng sumabog sa Army training ground sa GenSan, 4 ang sugatan
Nasugatan ang apat na katao makaraang aksidenteng sumabog ang isang granada sa kasagsagan ng grenade handling demonstration sa loob ng Army Reserve training ground sa General Santos City.
Ayon kay Supt. Romeo Galgo Jr. ng Police Regional Office 12, nagsasagawa ng explosive training ang mga opisyal ng Army Reserve Command (ARESCOM) nang maganap ang insidente sa 12th Regional Community Defense headquarters sa Barangay Asinan, Buayan, General Santos City.
Hawak umano ng instructor ang granada at nagpapakita ng demonstrasyon nang ito ay biglang sumabog.
Ginagamot na sa ospital ang mga nasugatan na pawang hindi pinangalanan.
Ayon kay Galgo, walang dapat ikabahala o ipag-alala ang publiko dahil accidental explosion ang naganap.
Nasa red alert status ang General Santos police dahil sa pagdiriwang ng Tuna Festival ng lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.