Drug lords, posibleng binayaran ang Abu Sayyaf para isagawa ang Davao bombing-PNP
Posible umanong may drug lords na binayaran ang bandidong grupong Abu Sayyaf para isagawa ang pambobomba sa Davao City noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa, hindi maiaalis ang posibilidad na maaring nakipagsabwatan ang mga drug lords sa Abu Sayyaf dahil sa maigting na operasyon ng mga pulis laban sa ilegal na droga.
“Itong mga Abu Sayyaf they kidnap people for money, the can also bombed people for money. Kung ako mayamang drug lord pwede ko bayarana ng Abu Sayyaf, pwede ko bigyan ng pera, sabihin ko sa kanila, magbomba na lang kayo,” ayon kay Dela Rosa.
Nang tanungin naman si Dela Rosa kung mga drug lord ba sa Bilibid ang tinutukoy niya, sinabi ng PNP chief na mayroon namang drug lords na nasa labas ng Bilibid.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na pambobomba sa Davao.
Ayon kay Davao Police Regional Office Director Manuel Gaerlan, binubuo na nila ang sketch ng mga suspek batay sa pagsasalarawan sa mga ito ng mga saksi.
Isa rin sa posibilidad na tintignan ng PNP ay hindi mismong mga ASG members ang nag-iwan ng bomba kundi kanilang sympathizers.
Drug lords, posibleng binayaran ang ASG para isagawa ang Davao bombing ayon kay PNP Chief Dela Rosa | @iamruelperez pic.twitter.com/d7sEZtkBBr
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 5, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.