Philippine Coast Guard, naka-heightened alert na din dahil sa Davao blast

By Mariel Cruz September 05, 2016 - 08:56 AM

FILE PHOTO from PCG
FILE PHOTO from PCG

Inilagay na sa heightened alert ang buong puwersa ng Philippine Coast Guard kasunod ng naganap na pambobomba sa Davao City na ikinasawi ng labingapat na katao at ikinasugat ng marami.

Ito ay upang matiyak na mababantayan ang mga baybayin at pantalan sa bansa na posibleng daanan ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, nakaalerto na ang buong puwersa ng Coast Guard mula nang inanunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang opensiba laban sa Abu Sayyaf Group.

Inatasan na ni PCG Commandant Rear Admiral Melad ang lahat ng security personnel kabilang ang Coast Guard Anti-Terrorism Unit, K9 at Law Enforcement teams na bantayang maigi ang lahat ng mga pantalan sa buong bansa.

Bukod dito, nagbigay na rin si Melad ng direktiba sa lahat ng coast guard stations na magsagawa ng patrolya sa mga baybayin at sa perimeter ng pantalan para matiyak na walang masasamang elemento na makalalapit sa matataong lugar.

Kabilang sa mga bantay-sarado ng PCG ang ilang vital installations katulad ng International shipping hub, North port passenger terminal sa likod ng US embassy, Baywalk, Mall of Asia at iba pa.

Ganito rin ang ginagawa ng iba’t ibang coast guard stations sa buong bansa, lalo sa tourist destinations kabilang ang boracay.

Humingi naman ng pang-unawa at kooperasyon si Balilo sa mga sasakya ng barko at bangka dahil mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad sa mga pantalan.

Kahapon, nagpatrulya ang PCG sa mga matataong lugar at pasyalang sakop ng Manila Bay.

 

 

TAGS: philippine coast guard, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.