Operating hours ng LRT line 1, mas maaga na simula sa Lunes

By Isa Avendaño-Umali September 04, 2016 - 04:07 PM

 

LRT1Ipatutupad na ng Light Rail Transit o LRT line 1 ang mas pinaagang operating hours, umpisa bukas (September 05).

Sa advisory, ang biyahe ng mga tren ng LRT line 1 ay magsisimula na ng 4:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Tuwing mga araw ng Sabado, Linggo at official holidays, ang operasyon ng LRT line 1 ay mag-uumpisa ng 5:00 ng umaga.

Ang last trip mula Baclaran Station sa Pasay City ay 10:00 ng gabi tuwing weekdays, samantalang 9:30 ng gabi sa weekends at holidays.

Ang huling train trip naman mula Roosevelt Station sa Quezon City ay 10:15 ng gabi tuwing weekdays, habang 9:50 n ggabi kapag weekends at holidays.

Ang pagpapahaba sa operating hours ng LRT line 1 ay continuation ng test run, na sinimulang ipatupad noong July 10, upang madetermina kung ito ba’y makakakuha ng interes mula sa publiko.

Kapag ito’y naging matagumpay, sinabi ng pamunuan ng LRT na pag-aaralan nila na gawin nang permanente ang extended operating hours.

TAGS: lrt line 1, lrt line 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.