Pagbisita ni US Pres. Barack Obama sa China, napuno ng mga aberya

By Mariel Cruz September 04, 2016 - 02:22 PM

Obama in ChinaTila hindi naging welcome si United States President Barack Obama sa kanyang pagbisita sa China.

Paglapag pa lamang ng sinakyang Air Force One ni Obama sa Hangzhou Xiaoshan International Airport ay nagkaroon agad ng aberya.

Gumamit pa ng alternative exit si Obama sa kanyang pagbaba sa eroplano dahil walang inilaan na hagdanan na may red carpet ang paliparan para sa kanya.

Sa tarmac ng Hangzhou Airport, isang pagtatalo naman ang naganap sa pagitan ng kanyang presidential aide at isang Chinese official.

Nag-ugat ang pagtatalo matapos pagbawalan ng nasabing Chinese official na makalapit sa kanya ng ilang journalists na kasama ni Obama.

Sinigawan din ng Chinese official ang presidential aide ng “This our country! This our airport!” sa kanilang pagtatalo.

Bukod dito, isa pang Chinese official ang sinubukang ilayo kay President Obama ang kanyang national security adviser na si Susan Rice.

Bahagi ng 11th at final presidential trip ni Obama sa Asia-Pacific ang pagbisita nito sa China.

 

TAGS: US President Barack Obama, US President Barack Obama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.