Bukas ang pinto ng NP para kina Poe at Duterte

July 25, 2015 - 05:27 PM

poe-duterteBukas ang Nacionalista Party na kunin si Senator Grace Poe o Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang standard bearer ng partido sa 2016 election.

Sa panayam ng Radyo Inquirer ay inisa-isa ni Sen. Antonio Trillnes IV ang mga pagpipilian ng kanyang partido ukol sa magiging pambato nila bilang pangulo. “May mga opsyon ang Nacionalista Party. Magpapatakbo kami ng kandidato namin, nandyan sina Senators Alan Peter Cayetano at Bongbong Marcos. Pero kung hindi sila tatakbo ay pwede kaming makipag-sanib uli sa Liberal Party at nariyan si Sec. (mar) Roxas. pwede rin kaming mag-adopt ng independent candidate gaya nina Sen. Grace Poe o Davao city Mayor Rodrigo Duterte,” pahayag ni Trillanes.

Nauna nang naibalita na suportado ng NP si Poe at si Senator Francis Escudero ngunit ito ay itinanggi ni Senator Cynthia Villar.

Ayon kay Trillanes, kapag wala anyang mapagkasunduan ang NP ay parang sona libre na lang, kung sino ang magustuhan ng partido ang siyang susuportahan.

Sa kanya namang interes sa mas mataas na pwesto ay sinabi ni Trillanes na matapos siyang magdeklara ng pagtakbo bilang pangalawang pangulo ay sunod na inaasahan niya ay ang endorsement ng partido sa kanya bilang vice presidentiale bet ng NP./ Len Montaño

TAGS: duterte, nacionalista, poe, trillanes, zona libre, duterte, nacionalista, poe, trillanes, zona libre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.