Japan, nag-alok ng tulong sa Pilipinas laban sa ASG

By Isa Avendaño-Umali September 04, 2016 - 08:46 AM

Japanese-Foreign-Minister-Fumio-KishidaNangako ng suporta ang Japan sa gobyerno ng Pilipinas partikular sa paglaban sa terorismo sa bansa.

Ito’y kasunod ng pambobomba sa Roxas Market sa Davao City na ikinasawi ng labing apat na indibidwal at ikinasugat ng mahigit animnapu.

Sa mensahe na ipinadala kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, ipinarating ni Japan Foreign Minister Fumio Kishida ang malakas na pakikiisa ng Japan sa pamahalaan ng Pilipinas at mga Pilipino sa gitna ng panahon ng dalamhati, sabay kondena sa karumal-dumal na krimen.

Pagtitiyak ni Kishida, patuloy na makikipag-tulungan ang Japan sa Pilipinas upang masugpo ang terorismo sa bansa.

Ang Abu Sayyaf Group, na kasama sa listahan bilang terrorist organization sa Pilipinas at Amerika, ay ang sinasabing nasa likod ng Davao City blast.

Nauna nang nagpaabot ng pakikiramay ang U.S., United Kingdom at Australia sa mga kaanak at mahal sa buhay ng mga namatay sa pag-atake.

Makalipas ang pambobomba, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide ‘state of lawlessness’, pero nilinaw na hindi ito Martial law.

 

TAGS: Davao City blast, Davao City blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.