Huling SONA ni PNoy, ‘simple, espesyal’

July 25, 2015 - 02:18 PM

pnoy-aquinoPayak at espesyal ang magiging huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa darating na Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Ayon kay Communications Sonny Coloma, ito na kasi ang huling SONA ng Pangulong Aquino kaya nais niyang ipaunawa at ilahad ang lahat ng mga nagawa sa loob ng limang taon sa panunungkulan sa isang payak ngunit natatanging paraan.

Ilalahad din ng pangulo ani Coloma ang mga nais pang gawin ng pangulo sa nalalabing panahon ng kanyang termino na magtatapos sa ika-30 ng Hunyo ng susunod na taon.

Kasabay nito ay nanawagan si Coloma sa mga kritiko ng pangulo na pakinggan muna ang sasabihin ng pangulo sa kanyang huling SONA bago ito husgahan. “Ang nais po ng Pangulo katulad ‘nung mga nakaraang taon ay maiulat sa kanyang mga boss ang mga mahahalagang naisagawa ng kanyang administrasyon bilang pagtupad sa mga ipinangako at bilang pagsunod sa mga prayoridad na itinakda ng kanyang administrasyon,”ani Coloma.

Inaasahan din na magsasalita ang pangulo tungkol sa kanyang nonombrahang kandidatong pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa darating na Lunes./Gina Salcedo

TAGS: July 27, Last SONA, PNoy, July 27, Last SONA, PNoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.