Duterte hinamon ang media na sumama sa mga anti-drug ops
Dahil sa patuloy na mga ibinabatong kritisismo laban sa kaniyang kampanya laban sa iligal na droga, naglabas ng hamon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawani ng media.
Ayon sa pangulo, dapat aniyang bitbitin ng media ang kanilang mga cameras at umangkas sa mga anti-illegal drugs raids na isinasagawa ng mga otoridad.
Sa ganitong paraan, naniniwala ang pangulo na makikita ng media kung bakit napapatay ang mga drug personalities.
Muli namang dinepensahan ng pangulo ang mga pulis at sinabing natural na sa mga drug addicts ang paglaban sa otoridad dahil umimpis na ang mga utak nito gawa ng iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.