Hurricane Hermine, nag-landfall sa Florida; 70,000 utility customers, nawalan ng kuyente

By Rod Lagusad September 02, 2016 - 07:18 PM

Tuluyan nang nag-landfall ang Hurricane Hermine sa Florida na nasa Category 1 na at may maximum sustained winds na aabot sa 80 mph.

Ang naturang hurricane ang unang tumama sa loob ng 11 taon sa nasabing estado.

Nag-landfall sa silangan ng St. Marks sa area ng Big Bend, bahagi ng baybayin ng peninsula ng estado.

Kaugnay nito lumikas ang mga residente para maiwasan ang direktang pananalasa ng Hurricane Hermine sa rehiyon.

Sa Tallahasse mahigit sa 70, 000 ulitily customers ang walang kuryente dahil sa malakas na hangin at ulan sa siyudad.

Mula pa noong Miyerkules bumubuhos ang malakas na ulan sa Gulf Coast at ayon sa mga forecasters na lalakas pa ito.

Ilang counties na ang nagpalabas ng ng mandatory evacuation sa mga komunidad sa mga nasa low-lying areas.

 

TAGS: Hurricane Hermine, Hurricane Hermine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.