17 Barangay sa Dagupan City, nakararanas pa rin ng pagbaha

By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2016 - 10:55 AM

FB Photo | Mayor Belen Fernandez
FB Photo | Mayor Belen Fernandez

Tatlong araw nang suspendido ang klase sa Dagupan City dahil sa nararanasang pagbaha sa maraming barangay sa lungsod.

Mula Miyerkules hanggang ngayong araw ng Biyernes, walang pasok ang mga mag-aaral mula pre-school hanggang senior high school batay na rin s autos ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez.

Labis na apektado ng pagbaha ang Greenfields area sa Barangay Tapuac.

Ayon kay Fernandez, ang tunnel na ginawa ng Department of Public Works and Highways ang dahilan ng matagal na pagbaba ng tubig baha sa kanilang mga barangay.

Sa halip kasi na dumeretso na sa Banaoang river ang tubig mula sa Banaoang, Calasiao ay dumadaan pa ito sa Dagupan dahil sa nasabing culvert project ng DPWH.

Kabilang sa mga barangay na apektado ng pagbaha ang Barangays Lasip Chico, Lasip Grande, Pogo Grande, Malued, Tapuac at Lucao.

 

 

 

 

TAGS: 17 barangays in Dagupan City flooded, 17 barangays in Dagupan City flooded

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.