DSWD, nanindigang hindi na ipahahawak sa mga mambabatas ang CCT funds

By Jay Dones September 02, 2016 - 04:32 AM

 

Marianne Bermudez/Inquirer

Sa kabila ng paggisa sa kanya ng mga mambabatas, pinanindigan ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo ang kanyang naunang direktiba na  huwag bigyan ng gaanong prayoridad ang mga ’referral letters’ mula sa mga pulitikong nagi-endorso ng mga mahihirap na residente ng kani-kanilang distrito sa Kagawaran.

Sa pagharap ni Taguiwalo sa House budget hearing, pinukol ng mga katanungan si Taguiwalo ng mga mambabatas ukol sa naturang kautusan.

Kinwestyon ni Cong. Rodolfo Fariñas  si Taguiwalo sa pagsasabing hindi pera ng Kagawaran ang perang hawak nito kung hindi pera ng taumbayan.

Tanong naman ni Cong. Arnulfo Teves, “sino ba ang may nakakaalam sa mga mahihirap na residente ng isang distrito? Ang DSWD ba o ang mismong mga kinatawan ng mga ito?”

Ngunit giit ng kalihim, nais lamang niyang alisin ang ‘sense of entitlement’ sa mga pulitiko upang hindi na pumasok sa isipan ng mga pulitiko na mayroon pa rin silang pork barrel funds.

Paliwanag ni Taguiwalo, handa silang tulungan ang mga mambabatas ngunit hindi dapat inaasahan ng mga ito na obligado silang tulungan ang lahat ng kanilang iniendorso.

Sa ilalim aniya direktiba ni Pangulong Duterte, wala na dapat iregularidad sa panig ng mga social workers at wala nang anumang uri ng korupsyon na pahihintulutan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.