DOJ Sec. Aguirre, pananagutin ni De Lima ‘sa tamang panahon’

By Jay Dones September 02, 2016 - 01:31 AM

 

Inquirer file photo

Nagbanta si Senador Leila De Lima na darating ang panahon na pananagutan nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at iba pa niyang  mga ‘accusers’ ang mga walang basehang bintang laban sa kanya.

Ito ang pahayag ni Senador Leila De Lima sa mga patuloy umanong umaakusa at nag-iimbento ng mga kwento na nagsasabing sangkot siya sa iligal na droga.

Hiling ni De Lima pagkatapos ng Senate committee hearing kina Aguirre, huwag na itong magpagamit sa ilang grupo at mag-imbento ng mga walang basehang alegasyon.

Paliwanag pa ni De Lima, kung patuloy siyang sisiraan ng mga naturang opisyal, kanyang pananagutin ito sa mga susunod na panahon dahil hindi naman niya makakasuhan ang mga ito dahil si Aguirre ang may hawak ngayon sa Department of Justice.

Sina De Lima ay nagkaharap sa Senate committee hearing na may kaugnayan sa mga panukalang may kinalaman sa iligal na droga kahapon .

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.